Blogs
August 1, 2021
Ang daming mga bata na may gusto ng #AcademicFreezeNow Pero wag na natin pag usapan yung mga dahilan ng mga bata kung bakit nila iyon gusto. May ibat-ibang sitwasyon at nararamdaman ang bawat bata sa bawat pamilya. Tulungan nalang natin sila intindihin kung bakit kailangan nilang mag patuloy sa pag-aaral. Mag eenglish ako ng konti kasi ang hirap mag straight tagalog pag sinusulat LOL!
1 Paano pag hindi lang isang taon kailanganin na mag online or modular class? Ilang taon din ang masasayang na sana eh nakakapag trabaho o nakakapag ipon na sila. Para sa pamilya nila o kahit para sa sarili nalang nilang kapakanan.
2 Let’s remind them that not everything is about their grades. A lot of kids worry that they are not really learning and are just simply trying to finish activities and modules. The fact that they get to finish those is what really matters. During training class, sa mga napasukan kong trabaho lagi nababanggit na ilang % lang naman ang maaalala namin pag katapos ng training. Everything else would be based on experience. (See what happened? Di ko nga maalala kung ilang % sinabi dati eh)
3 Hard work beats talent if talent doesn’t work hard. Ayan! Hinaluaan ko na ng quote from Naruto. It’s ok kung hindi ka ganun kagaling. May time na mahihirapan ka talaga. Na mag kakamali ka at feeling mo parang nahuhuli ka na. Ang importante, mahalaga(korny). Don’t stop! You can take it easy sometimes but don’t stop! Kasi pag tumigil ka, talo ka. Konek ulit natin sa trabaho. May mga ilang nahuhuli huli during training pero nag eexcel on their actual work.
4 It’s ok to ask questions??? Yes, it is! Maraming bata takot mag tanong kahit nahuhuli na sa pinag-aaralan dahil nahihiya. Kahit nga mag tanong para mag CR minsan nahihiya din kaya may mga nakaka ihi or nakakaT** sa shorts LOL. In the real world, when you’re already working, clients wouldn’t appreciate it if you don’t have any questions. Ang iisipin nila baka hindi mo naintindihan yung sinabi o wala kang pakialam. Let your kids know that it’s ok to ask questions when they don’t understand something in class. If I learned about this when I was a kid baka hindi ko na tinantanan yung math teacher ko hanggat hindi ko nakukuha ng tama lahat ng solutions.
5 I can list a lot of suggestions here but the most important one I can say is to help your kids find a reason. A reason to continue, a reason to keep working hard, a reason why they need to continue studying. Kung mahirap kayo, paano na lalo kung hihinto? It’s not a race. Remind them that the goal is to finish their studies.
What made me post this? For some reason, a lot seems to agree on #AcademicFreezeNow Pero sa totoo lang. Wala namang pumipigil sa kahit sinong estudyante kung gusto nila na wag muna mag aral. Nag paparinig pa sa DepEd. Hindi naman DepEd ang mag dedesisyon para sa inyo. This movement or whatever it is isn’t helpful at all. It’s taking mental health into a different path. Marami parin ang gusto mag aral despite the pandemic. Thankfully may option na modular or online. Perhaps this is crab mentality? Dahil nahihirapan mag aral, dahil napapagod, dahil walang motivation, dahil sa stress at dahil ayaw mo muna mag aral eh gusto mo pati ang ibang tao huminto rin? #AcademicFreezeNO
Leave a Reply